Wednesday, December 13, 2006

Kamote sa Kangkungan

Ano ba? Naniniwa ka pa ba? Susmaryosep itong gobyerno na ito wala na talaga ginawa kundi paglaruan ang buhay nating mga pilipino. Tingnan mo naman ang nangyari kamakailan lang, si JDV at ang kanyang kawan ng mga tusong matsing na pinapangunahan nina Nograles, Jaraula at Villafuerte ay sinubukang isahan na naman tayong mga nananahimik na mamamayan sa pagpilit ng kanilang ambisyong maging PM ang kanilang bosyo sa pamamagitan ng pagpasa ng resolusyon para magkaron ng Con-Ass. Ito ay magbibigay daan sa pagbabago ng saligang batas at magpapabago sa klase ng ating gobyerno at magpapaliban ng eleksyon sa darating na mayo.

Hoy mga ungas sa gobyerno, kung hindi namin masyadong pinansin si jose pidal, si garci, si jok-jok at iba pa ninyong garapal na transaksyon hindi ibig sabihin na araw-araw ay pasko para sa inyo. Napakaswerte lang talaga ng gobyernong ito ni Gloria, mantakin mo namang ayan at buhay pa at nag-iisip pa rin ng mga paraan para hindi sila matanggal sa poder. Naniniwala na nga ako sa obserbasyon ng marami na eto na siguro ang parusa ng Diyos sa atin kaya kahit anong mangyari ay ayan pa rin sila at pangiti-ngiti si Bunye na parang walang nangyari. Pero hindi ibig sabihin na wala na kaming gagawin, lalabas at lalabas kami sa kalye at ipapahayag ang aming galit hanggang ang langit ay mayanig at pagbigyan ang aming nais. Kung magkaganon nga, humanda ka Mike D., Saludo at mga taga-amen ni GMA, sa kangkungan kayo pupulutin kasama ng amo nyong si GMA.

Sabi ni JDV todas na daw ang Con-Ass at ang kanila namang sinusulong ngayon ay Con-Con. Hoy JDV, Villafuerte at Lagman, kayo ang totodasin ng mga bicolano sa susunod na eleksyon sapagkat nung kailangan nila kayo ay ayun at nagpapakapuyat kayo sa kongreso hindi para sa kanilang kapakanan kundi para sa kapakanan ng inyong interes at interes ni GMA at JDV. Lagot kayo sa mayo!

Eto lamang ang panawagan ko sa inyo mga karancho, wag nyo nang iboto yang mga matatandang kongresman na yan. Nuno na sila sa pagtago ng mga anomalya. Ngingitian ka nila pag nasalubong mo pero nunka, sa loob-loob nila ay patawa-tawa dahil nauto ka na naman. Yun namang mga bata pa at wala nang prinsipyo, lalo namang wag mong iboto, walang gagawin yang mga yan kundi ang sumuporta sa kanilang pinuno para sa kanilang ‘political existence’. Yun namang mga pa-cute na kandidato iboboto mo pa rin ba? Tingnan mo naman at kailangan pa ng interpreter para maintindihan ang diskusyon ng mga kasama. Hoy isa pa, wag mo na ulit isipin sa eleksyon na hindi mo iboboto si roco o si bro. eddie kasi kamo ay sayang lang ang boto mo. Kamote ka!

Friday, March 31, 2006

PHP GD Pointers

I can't believe GD is very easy to use and with the help of jpgraph samples, everything was a breeze. But first things first, if you are on windows platform make sure that PHP is pointing to the correct php.ini and the php_gd2.dll file is uncommented. In my case, it took me a while to realize that i was editing the wrong ini file (the correct one is in the windows directory).

I'm currently developing a program that outputs tables with bar and pie graphs. If you are encountering problems with gd maybe i can be of help.

Sunday, January 02, 2005

Habatutay

Habatutay

Holidays are over. I'm back at my desk cramming again to meet my deadline. Crazy AP System, it's already 2005 how come this company doesn't have one working yet? Anyways, I hope this year is going to be different. I just wish that none of those disasters happen again. Spare us please oh Lord but your will be done. God bless guys!